Thursday, October 11, 2012

MUKHA NG PAG-IBIG: chapter 1


MUKHA NG PAG-IBIG
Chapter 1





"At yan po ang mga naglalakihang pasabog sa showbiz news ng linggong ito,

Ito po si CHRIS LORENZO ang inyong host,
magkita-kita tayong muli sa susunod na linggo para sa mga nagbabaga at
naglalakihang SHOWBIZ NEWS sa bansa.

Ito ang 

THE NEXT ISSUE"

"And CUT !

Great job CHRIS" sabi ng direktor ng T.C.S



Ako nga pala si CHRIS JOSEPH LORENZO o mas kilala bilang CHRIS LORENZO.
Oo, tama kayo, isa akong celebrity kung saan lahat na ata ay ipinagawa sakin.
Singing, Dancing, Modeling, Hosting, at syempre ang pag-arte sa harap ng camera.
Nakakapagod ngunit sulit na klase ng trabaho.
Ako ay 21 taong gulang pa lamang.
5'11, moreno, matipuno ang pangangatawan kung saan ay pinagpapantasyahan ng buong bayan.
Mapupungay na mga mata, matangos ang ilong at may mapupulang labi.
Enough of introductions (ahahaha) sisimulan ko na ang kwento ng aking buhay.

Kwentong Pag-ibig, Pagkakaibigan, at Pamilya.

Natapos din ang taping ng aking bagong show kung saan ay kami ang nakakakuha
ng pinakamataas na ratings sa buong history ng showbiz news.

"Hay, nakakapagod talaga.
ahm, jeff, ano ang susunod sa schedule ko ngayon?" tanong ko sa aking P.A na si Jeff.

"Album signing ng 4pm sa Triangle Mall
Taping ng music Video ng 8pm sa Cavite
at taping ng bagong serye ng 3am sa Tagaytay." wika ni jeff.

"What?! ngayon na ba yung album signing? sh*t!" nasabi ko sa pagkabigla.

Kinuha ko ang aking cellphone at idinial ito.

"Ma, Hindi ako makakarating
I'm sorry,
Opo, Babawi nalang ako next time.
Okay.
I love you too." Malungkot kong binalita sa aking ina.

"Hay, nakalimutan ko nanaman kasi schedule ko ngayon. Nakapag promise pa naman ako kay mama na ipagluluto ko siya ng paborito niya." Wika ko sa P.A ko.

"Maiintindihan ka naman nun chris. Wag ka magalala. Magulang mo iyon kaya maiintindihan ka nila. " pagpapalakas ng loob ko ni jeff na sinagot ko lang ng ngiti.

O siya sige, maiwan muna kita para masabihan ko na driver mo na paikutin na yung kotse." Dagdag pa niya.


-------- Sa kabilang banda


" Humanda ka Chris, dahil sa oras na sumakay ka sa kotse mo. BOOM! Sasabog ka kasama ng kasikatan mo. Ahahhahahahahahahaha " wika ng isang taong may maitim na balak 


------- Chris Lorenzo

"Bakit parang may mangyayaring hindi maganda" wika ko sa aking isipan.

"Ahm jeff, pwede mo ba ibili ng kape sa starbucks? antayin na lang kita sa lobby para deretso alis na tayo."utos ko sa aking P.A


"Okay chris. tulad pa rin ba ng dati ang oorderin ko?"tanong sakin ni jeff

"Oo"sabay ngiti sakanya "Salamat, sipag mo talaga."dagdag ko pang sabi sakanya.

Nang makaalis ang aking P.A ay agad kong idinaial ang aking telepono habang tinutungo ang lobby.

kring

kring

kring

"Babe! San ka?"wika ko ng sagutin niya ang aking tawag

"Babe, dito pa ko sa office, andaming agents kasi ngayon ee."sagot naman niya sakin

"ganun ba? Hindi ka ba makakapunta sa Album signing ko ngayon?"malungkot kong tanong sakanya.

"Ngayon na ba iyon? tsk. Sorry talaga babe. Hindi ako sure ee. Natambakan ako ng trabaho ngayon ee."malungkot niyang sabi sakin.

"O siya sige, okay lang naiintindihan ko naman ee."ang nasabi ko nalang sakanya.

"O wag na magtampo ang babe ko, may surprise ako sayo mamaya. hihi"sagot niya sakin na parang kinikiliti sa kilig

"Talaga?"nasabi ko nalang habang kinikilig."hay nako, MR. RALFH DELA CRUZ! Wag kang ganyan kinikilig ako. Aabangan ko yan mamaya ah. hihi"dagdag ko pa.

"O siya, sige babe, see you later, tawag na ko ni daddy sa office e. I love you so much asawa ko. Hihi"wika niya sakin

"Okay sige, I love you too Mr. Kulit."sagot ko sakanya bago ibaba ang tawag

Nang matapos ang aming usapan ng aking pinakamamahal na nobyo ay sakto namang dating ni Jeff dala-dala ang aking pinabili.

"O chris, one MOCHA FRAPPE and BELGIAN WAFFLE with lots of chocolate syrup right?"wika niya sakin

"Galing mo talaga jeff!"ngiting sabi ko sakanya.

"Anjan na si Manong, tara na chris."sabay hila sakin nito dahil sa nagmamadali na kami para pumunta ng Triangle Mall.

Nang makasakay na kami ay parang mas lalo akong kinabahan na hindi ko malaman kung bakit. 

Habang nasa daan kami papunta ng TRIANGLE MALL.

"Jeff, I feel so weird today, kanina pa ko kinakabahan and I don't know why."wika ko sa aking P.A na si jeff

"Wag mo nang isipin yun, lagi mo na ginagawa to kaya wag ka na kabahan."sagot naman niya sakin.

"Iba talaga e."ang nasabi ko nalang.

Nang biglang

 BOOM!

itutuloy......

6 comments:

  1. Medyo bitin but it's a good start. I have a PM for you as pointers for this chapter. Nice plot. Complicated yata ang kwento ng bida. Let's see. :)

    ReplyDelete
  2. maikli po ata mxado o nbitin lng tlaga q :/

    ReplyDelete
  3. Mama dalisay, binitin ko po talaga yung umpisa.. hehe..

    Lawfer, pinaikli ko po talaga yan.. ehehe.. Don't worry next chapter e mejo mahaba.. :)

    ReplyDelete
  4. parang ang bilis ng story. boom agad? hehe.

    ReplyDelete
  5. @Dante, basahin mo po yung mga susunod.. you'll understand kung bakit boom agad sa first chapter nito.. hehe.. thank you for reading.. hope you'll keep on reading the story till the last chapter.. ;)

    ReplyDelete