Sunday, October 21, 2012

MUKHA NG PAG-IBIG: Chapter 3



Author's Note:

Gusto ko po munang magpasalamat sa aking butihing ina-inahan na si Mama Dalisay Diaz sa paggaguide sakin sa pagsusulat.

Sa aking mga kuya na si Rovi Yuno at Kenji Oya na pinagtutulungan ako (ahahaha) salamat din po sa supporta niyo.

Sa mga Followers ko na sina Mike Juha, Patryck P, at Lawfer. Sana po dumami kayo. ahaha.. Salamat sa inyo..

Sa mga dating katulad ko na Silent Readers.. Salamat din po.

Sana magustuhan ninyo ang ikatlong yugto ng aking unang likhang nobela na pinagamatang "MUKHA NG PAG-IBIG".

---------------------------------------------------------------------------------

MUKHA NG PAG-IBIG
Chapter 3




"Nagbabalik po ang pinakamalaking Artista search sa bansa" bungad ng unang host ng patimpalak.

"Ito po ang DREAMERS: the Ultimate Artista search!" masiglang wika ng pangalawang host.

"Huwag na nating paghintayin pa ang ating live audience at simulan na natin ang pagpapakilala sa ating 15 dreamers. Kaya partner, Sino ang ating unang dreamer sa gabing ito?."wika ng unang host.

"Alam kong hindi na kayo makapaghintay para sa ating unang dreamer. Nagmula siya sa lungsod ng Maynila. Isang fil-am na babae. Sa ganda at kaseksihan ay hindi siya matatawaran. Please all welcome her as she sing and dance in the tune of Beyonce's Single Ladies. Around of applause for Ms. Nikka Cleoford the sexy dreamer of Manila."

Bumukas ang malaking screen na nagsilbing background ng studio. Lumabas ang isang napaka gandang dilag. Si Nikka Cleoford. Isang Fil-Am, may taas na 5'7", maputi, makinis, at sexy. Maihahalintulad ang kanyang mukha kay Sarah Geronimo.

"All the single ladies..........." pauna niyang birit ng siya'y makalabas sa stage.

 
videokeman mp3
Single Ladies – Beyonce Song Lyrics


Lyrics of Single Ladies – Beyonce
All the single ladies (7x)
Now put your hands up
Up in the club, we just broke up
I’m doing my own little thing
you Decided to dip but now you wanna trip
Cuz another brother noticed me
I’m up on him, he up on me
dont pay him any attention
cuz i mycried my tears, for three good years
Ya can’t be mad at me
[Chorus]
Cuz if you liked it then you should have put a ring on it
If you liked it then you shoulda put a ring on it
Don’t be mad once you see that he want it
If you liked it then you shoulda put a ring on it
wo oh ooh oh oh ooh oh oh ooh oh oh oh x2
(Chorus)Cuz if you liked it then you should have put a ring on it
If you liked it then you shoulda put a ring on it
Don’t be mad once you see that he want it
If you liked it then you shoulda put a ring on it
I got gloss on my lips, a man on my hips
hold me tighter than my Dereon jeans
acting up, drink in my cup
I could care less what you think
I need no permission, did I mention
Dont pay him any attention
Cuz you had your turn
But now you gonna learn
What it really feels like to miss me
(Chorus)
Cuz if you liked it then you should have put a ring on it
If you liked it then you shoulda put a ring on it
Don’t be mad once you see that he want it
If you liked it then you shoulda put a ring on it
woo oh ooh oh oh ooh oh oh ooh oh oh ohx2
Don’t treat me to the things of this world
I’m not that kind of girl
Your love is what I prefer, what I deserve
Is a man that makes me, then takes me
And delivers me to a destiny, to infinity and beyond
Pull me into your arms
Say I’m the one you own
If you don’t, you’ll be alone
And like a ghost I’ll be gone
All the single ladies (7x)
Now put your hands up
Cuz if you liked it then you should have put a ring on it
If you liked it then you shoulda put a ring on it
Don’t be mad once you see that he want it
If you liked it then you shoulda put a ring on it




Natapos ang kanyang awitin at napahanga ang buong audience sa kanyang ipinakita. Napaindak at napasabay ang mga ito sa kanyang awitin. Napakagaling, hindi siya makikitaan ng kaba o halata dito na siya'y sanay sa kanyang ginagawa. Mistulan siyang isang guest sa patimpalak at hindi isang kandidata dito dahil sa kanyang husay sa pagkanta at pagsayaw.

"Around of applause for Ms. Nikka Cleoford ang sexy dreamer ng Manila. Thank you Ms. Nikka you may now return to the backstage."wika ng unang host.

"Grabe partner, una pa lang yan. Isa lang ang masasabi ko, magagaling talaga ang ating mga kalahok."wika ng ikalawang host sa kanyang partner.

"Well partner, piling-pili talaga ang ating mga kalahok sa DREAMERS. Kaya masisiguro nating magagaling talaga silang lahat. Kaya wag na nating patagalin pa ito at ipakilala na natin ang susunod pang mga dreamers."wika ng unang host.

Tinawag ang mga natitirang kalahok ng patimpalak. Nagpakitang gilas ang bawat isa. Hanggang sa isang contestant na lang ang natira.

"Well partner, what can I say? They are all amazing! Mukhang mahihirapan ang ating mga audience sa pagboto."wika ng unang host

"Mukhang ganun nga ang mangyayari kaya para sa ating audience at tele-viewers please VOTE WISELY. Iboto ninyo ang dreamer na sa tingin ninyo'y karapat-dapat maging unang ULTIMATE DREAMER."wika ng pangalawang host.

"Ngayon partner, Isa na lang ang natitirang dreamer na dapat nating ipakilala. Kaya partner, please do the honor."wika ng unang host.

"Mga kababayan handa na ba kayo para sa ating kahuli-hulihang dreamer. He's the last dreamer but definitely not the least. Pinaguusapan na siya simula auditions pa lang kaya narito na ang ang ating huling dreamer. Nagmula rin siya sa lungsod ng Manila. Please welcome him as he sing's a Erik Santos piece, This is the moment. This is really your moment! Arround of applause for Mr. Chris Lorenzo ang chinito hunk ng Manila." pagpapakilala ng ikalawang host sa huling kalahok ng naturang patimpalak.

"This is............ My moment..........." unang awit ni Chris ng siya'y makalabas sa stage.



videokeman mp3
This Is the Moment – Erik Santos Song Lyrics

Lyrics of This Is the Moment – Erik Santos
This Is The Moment – Erik Santos
This is the moment, this is the day
When I send all my doubts and demons on their way
Every endeavor I have made ever
Is comin’ into play, is here and now today
This is the moment, this is the time
When the momentum and the moment are in rhyme
Give me this moment, this precious chance
I’ll gather up my past and make some sense at last
CHORUS 1
This is the moment when all I’ve done
When all the dreamin’, schemin’ and screaming become one
This is the day, see it sparkle and shine
When all I’ve lived for becomes mine
BRIDGE
For all these years, I’ve faced the world alone
And now that the time has come to prove to them I’ve made it on my own
CHORUS 2
This is the moment, my final test
Destiny beckoned, I never reckoned second best
I won’t look down, I must not fall
This is the moment, the sweetest moment of them all
CHORUS 3
This is the moment, damn all the odds
This day or never, I’ll sit forever with the gods
When I look back, I will always recall
Moment for moment, this was the moment, the greatest moment of them all


Natapos ni Chris ang kanyang awitin na nakataas ang dalawang kamay at bigla ng napansin niyang tahimik ang audience. Kinabahan siya sa nangyayari. Nang siya'y mag bigay ng bow sa mga ito ay biglang nagtayuan ang audience at binigyan siya ng isang masigabong palakpakan. Natulala si Chris ng makita niyang nag standing ovation ang audience. 

"Grabe Chris, pinatayo mo ang mga balahibo ko at ng mga manunuod. Thank you for that wonderful song, you may now go back to backstage."wika ng unang host.

"Sabi ko sainyo e. He's the last dreamer but definitely not the least!"wika ng pangalawang host.

"Ayan po ang ating 15 Dreamers! Mahuhusay ang lahat ng ipinakita nila sa atin. Nakaka-amaze talaga silang lahat! Kaya para sa ating mga manunuod. The voting officialy starts now! Iboto ang Dreamer na sa tingin ninyo ay karapat-dapat na tanghaling unang ULTIMATE DREAMER."mahaba-habang wika ng unang host.

"Itodo niyo na ang pagboto sa Dreamer na ayaw niyong matanggal sa ating Elimination Night nextweek."wika ng pangalawang host.

"Jan po nagtatapos ang SHOWDOWN ng ating mga Dreamers. Magkita-kita ulit tayo nextweek Pilipinas at buong mundo para sa ating LIVE SHOWDOWN at ELIMINTION NIGHT! Ito po ang DREAMERS: The Ultimate Artista Search!" wika ng dalawang host ng patimpalak.

Natapos ang unang Live broadcast ng patimpalak na pinagusapan ng lahat ng tao. Maraming may gusto kay Chris dahil sa husay nito. Natapos ang 3 buwan at isa-isang natanggal ang mga kalahok sa naturang patimpalak. 3 na lamang ang natira upang magpakitang gilas sa FINAL NIGHT ng DREAMERS: The Ultimate Artista Search. Sila Nikka, Jerome at Chris.

--------------------------Gabi bago ang FINALE ng patimpalak-----------------------------

Magpapahinga na sana si Chris sakanyang kwarto ng bigla siyang tinawag ng kanyang ina.

"Chris, anak"tawag sakanya ng kanyang ina

"Bakit po mama?"sagot niya dito

"Gusto ko lang sana ibigay saiyo itong kwintas na ito"wika ng kanyang ina sabay labas ng isang white gold na kwintas at may maliit na pendant na isang krus.

"Ibinigay ito sakin ng aking ama na iyong lolo nung bata pa lamang ako. Ipinasa daw ito sakanya ng kanyang ama upang ipasa sa mga susunod na henerasyon ng pamilya. Ingatan mo sana ito dahil nagiisa lang ito sa mundo. Ipinasadya pa iyan ng ating angkan. Sana ay gabayan ka nito at bigyan ng lakas sa iyong landas na tinatahak."mahabang wika ng kanyang ina habng sinusuot ang kwintas sa kay Chris.

"Salamat mama. Iingatan ko ito pangako iyan."ngiting tugon nito sa ina.

Nagyakapan ang mag-ina bago tuluyang pumasok sa kani-kanilang silid upang magpahinga.
Nasa kalagitnaan si Chris ng pagiisip habang siya'y nakahiga ng biglang magring ang kanyang cellphone.

"Hello? O bat napatawag ka bigla?"wika ni Chris ng sagutin niya ang tawag.

"Pwede ka ba lumabas saglit? Nandito ako sa tapat ng bahay niyo."nahihiyang wika ng kanyang kausap.

Nanlaki ang mata ni Chris sa narinig. Napatakbo siya upang pagbuksan ang taong sakanya'y naghihintay.

"Anong ginagawa mo dito? Hating gabi na Ralfh."wika niya ng pagbuksan ito ng pinto.

"May gusto lang sana akong sabihin sayo Chris."sagot naman nito.

"O sige, tara sa loob dun na tayo magusap sa kwarto at malamig masyado dito sa labas."paanyaya ni Chris kay Ralfh.

Nang makarating sila sa kwarto ni Chris ay bigla na lamang niyakap ni Ralfh si Chris.

"A-anong ginagawa mo?" nasabi ni Chris ng maitulak niya si Ralfh dahil sa pagkabigla.

"Chris, matagal ko nang gustong sabihin saiyo to. Pinagisipan kong mabuti ito. Gusto ko lang malaman mo na Mahal na mahal kita simula pa lang ng makilala kita."sagot nito na naiiyak.

"Ralfh, nahihibang ka na ba? Lalaki ako at lalaki ka. Hindi pwedeng maging tayo."sagot ni Chris sakanya.

"Chris, alam kong mahal mo rin ako. Wala akong pakielam kung lalaki ka at lalaki rin ako. Ang mahalaga ay mahal kita."wika ni ralfh na may luha ng umaagos sa kanyang mga mata.

"Ralfh, mahirap ang gusto mong mangyari. Inaamin ko mahal din kita pero hindi pwede ang gusto mong mangyari. Ralfh, maraming taong hindi kayang intindihin ang ganito, na mayroong dalawang lalaking nagmamahalan. Kasalanan ito sa mga mata nila."mahabang wika ni Chris habang naiiyak na rin.

"Chris makinig ka sakin. Kung mahal natin ang isa't isa kaya natin lampasan ang lahat ng mga pagsubok na dadaan sa atin. Natatakot ako na mawala ka sakin kaya ngayon ay naglakas loob na ako, nagbakasakali, pero ngayong alam ko ng mahal mo rin talaga ako ay hinding hindi ako papayag na mawala ka sakin lalo na ngayong papasikat ka na."wika ni ralfh kay chris habang hawak niya ang kamay at nakatingin sa mga mata nito.

"Ralfh, hindi ko alam kung tama ba ito, pero ito ang tinitibok ng puso ko. Ikaw ang sinisigaw nito, Ikaw lang ang nakikita nito, Ikaw ang gusto nito. Pinigilan ko ito nuon pero sa tingin ko ay hindi ko na dapat pang pigilan pa ito lalo na ngayong alam ko na ring mahal mo ako."wika ni chris kay ralfh habang may luhang dumadaloy sa kanyang mga mata.

"Mahal na mahal kita Chris" unti-unting lumapit ang muha ni Ralfh kay Chris.

"Mahal na mahal din kita Ralfh" wika ni Chris bago tuluyang maglapat ang kanilang mga labi.

Masayang pinagsaluhan ng dalawa ang kanilang pagmamahalan sa gabing iyon. "Kung panaginip ito ay sana hindi na ako magising pa" parehong wika nila sa kanilang mga isipan bago tuluyang nakatulog.

Itutuloy.......  


No comments:

Post a Comment