Monday, October 29, 2012

MUKHA NG PAG-IBIG: Chapter 5



Maraming maraming salamat po sa lahat ng bumabasa ng aking unang nobela.


Eto na po ang Chapter 5 ng MUKHA NG PAG-IBIG.
Sana ay inyong magustuhan.

-Chris
---------------------------------------------------------------------------------

MUKHA NG PAG-IBIG
Chapter 5




"Chris, you may now go Backstage and prepare for the next round!" wika ng unang host.

Nagulat ang lahat sa narinig.

"Dahil pasok ka sa susunod na round!" Sigaw ng ikalawang host ng paligsahan.

Napatalon sa tuwa ang mga taga-supporta ni Chris. Napaiyak naman si Chris sa tuwa. Akala ng lahat ay hindi talaga siya nakapasok sa ikalawang round ng paligsahan.

"Mga kaibigan! Wala pong natanggal sa unang round sa gabing ito."

"Tama po! Dahil we have a Triple-tie for the first round."

"Ang gagaling talaga nilang tatlo. Walang nagpapatalo. Walang sumusuko. Kaya't simulan na natin ang ikalawang round ng DREAMERS! The Ultimate Artista Search!"

"yan ay pagkatapos ng ilang mga paalaala." wika ng host bago mag-commercial.

 Natapos ang commercial at agad sinumulan ang ikalawang round ng paligsahan.

"Pilipinas at buong Mundo! Handa na ba kayo sa ikalawang round ng ating paligsahan sa gabing ito?"

"Partner, mukhang hindi na talaga makapaghintay ang ating mga manunuod."

"Tama ka jan partner, kaya't atin nang umpisahan ang Round 2 ng Dreamers: The Ulitmate Artista Search!"

"Sa ating ikalawang round ay pinapili ang mga kalahok ng kanilang Song choice upang awitin ngayong gabi."

"Sisimulan natin ang ikalawang round sa ating huling kalahok na tinawag kanina lang. Nagmula sa lungsod ng Manila! Ang Chinito Hunk ng Manila! Chris Lorenzo!"


videokeman mp3
Dadalhin – Bryan Termulo Song Lyrics


Sa pagkanta ni Chris ay naalala niya ang lahat ng mga nangyari sakanila ni Ralfh.

Lyrics of Dadalhin – Bryan Termulo
Ang pangarap ko’y nagmula sayo
Sayong ganda ang puso’y di makalimot
Tuwing kapiling ka, tanging nadarama
Ang pagsilip ng bituin sa iyong mga mata
Ang saya nitong pag ibig
Sana ay di na mag-iiba

"Mahal na mahal kita Chris" unti-unting lumapit ang mukha ni Ralfh kay Chris.

Ang pangarap ko ang iyong binubuhay
Ngayong nagmamahal ka sa ‘kin ng tunay
At ang tinig mo’y parang musika
Nagpapaligaya sa munting nagwawala

"Chris, alam kong mahal mo rin ako. Wala akong pakielam kung lalaki ka at lalaki rin ako. Ang mahalaga ay mahal kita."wika ni ralfh na may luha ng umaagos sa kanyang mga mata.

Ang sarap nitong pag-ibig
Lalo pa noong sinabi mong…

"Mahal na mahal din kita Ralfh" wika ni Chris bago tuluyang maglapat ang kanilang mga labi.

Chorus:
Dadalhin kita sa aking palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito’y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

"Fiance niya ito, naliligo pa po siya e. Sandali lang po ah?" wika ng babaeng sumagot ng telepono ni Ralfh.

Nang mawalay ka sa aking pagsinta
Bawat saglit gabing lamig ang himig ko
Hanap ang yakap mo, haplos ng ‘yong puso
Parang walang ligtas kundi ang lumuha
Ang hapdi din nitong pag-ibig
Umasa pa sa sinabi mong…

Tumulo ang isang matabang luha sa kanyang mga mata habang inaawit ang lyrircs ng kanta.

Chorus:
Dadalhin kita sa aking palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito’y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko


Umiiyak, umiiyak ang puso ko
Ala-ala pa ang sinabi mo
Noong nadarama pa ang pag-ibig mo…

"Sarap naman nun! Sana ganito tayo araw-araw, hinding hindi ako magsasawa."
At tuluyan ng umagos ang luha sa kanyang mga mata. Dinama niya ang bawat titik ng kanyang awitin.

Chorus:
Dadalhin kita sa aking palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito’y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
Ang lahat ng ito’y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

Natapos niya ang awiting punong puno ng luha ang kanyang mukha. Halos hindi na niya makita ang audience sa tuloy-tuloy na pag-agos ng kanyang mga luha, 
Natahimik ang lahat ng mga manunuod. Ang iba pa ay napaiyak dahil naramdaman nila ang lungkot sa pag-awit ni Chris. Nang siya'y yumuko sa entablado ay biglang nagsitayuan ang lahat ng taong nanduon at nagbigay sakanya ng isang masigabong palakpakan habang nagpupunas ang iba ng kanilang mga luha.

Nang matapos ang ikalawang round ay tinawag na ang mga kalahok upang malaman kung sino ang makakapasok sa Final Round ng Patimpalak.

"Tatawagin namin ang pangalan ng Dreamer na hindi na makakasama sa ating Final Round." wika ng unang host ng patimpalak.

"Please give your final bow becasuse this is the end of your journey." 

Itutuloy.......




No comments:

Post a Comment