Sunday, October 14, 2012

MUKHA NG PAG-IBIG : chapter 2

Gusto ko lang po magpasalamat sa supporta ng nagiisang si MAMA DALISAY na isang napakagaling na author ng TASK FORCE ENIGMA, KUNG KAYA MO NG SABIHING MAHAL MO AKO at marami pang iba..
Supportahan din po natin siya, sila sa kanilang bagong AKLAT na nailathala..
Ang MICHEAL SHADES OF BLUE ANTHOLOGY: 13 stories of LOVE, HUNGER and PARANOIA.

At syempre salamat din sa bagong kapatid ko na si KENJI o KEN na author ng MINAHAL NI BESTFRIEND sa supporta. thank you kapatid!

Salamat din sa mga followers ko dito.. 4 pa lang sila so far.. hehe.. pero Thankful ako.. :)
-Patryck P
-Lawfer
-Mama Dalisay
-IDOL mikejuha

at syempre sa mga silent readers.. 

Comments naman jan.. LOL

Anyway.. Ito na po yung Chapter 2 ng MUKHA NG PAG-IBIG..
Sana ay magustuhan niyo.


---------------------------------------------------------------------------------------------





MUKHA NG PAG-IBIG
Chapter 2




"Breaking News,
Sumabog ang kotse ng kilalang actor, singer at host na si Chris Lorenzo habang ito ay papunta sa kanyang Fans day at Album Signing niya sa Triangle Mall kaninang hapon.

Natagpuan ang bangkay ng actor at kanyang driver sa loob ng kotse na halos hindi na makilala dahil sa pagkasunog ng katawan. Pinaghahanap din ang nawawalang P.A nito na si Jeff Agoncillo.
Ang hinala ng mga pulis ay sinadyang pasabugin ang sasakyan ng actor dahil sa mga nakalap na ebidensyang natagpuan sa crime scene.

Nagdadalamhati ngayon ang buong bansa sa pagkawala ng sikat na IDOLO ng masa. Ilalagay ang mga labi ng actor, singer at host sa unibersidad na kanyang dating pinapasukan, Ang ********** university at bubuksan ito sa publiko simula bukas ng alas tres ng hapon hanggang alas nuebe ng gabi para sa mga gustong makiramay sa kanilang IDOL.

At yan ang nagbabagang balita sa gabing ito,

Ito po si Mel Franco naguulat." pahayag ng newscaster sa isang live news program na pinapalabas tuwing gabi.

Hindi naman makapaniwala sa narinig na balita ang kanyang kasintahan na si Ralfh Dela Cruz. Halos hindi siya makagalaw sa kanyang kinalalagyan. Hindi niya alam ang kanyang gagawin, bigla na lang tumulo ang luha sa kanyang mga mata at nagiiyak.

"HINDI PWEDENG MANGYARI TO, BAKIT? BAKIIIIIIIT?!!!!" Hagulgol na wika ni Ralfh sa kanyang sarili.

------------------ Makaraan ang 3 linggo.

Sa ********** memorial park ay binisita ng mga nagmamahal sa kanya ang puntod ni Chris.

"Bakit mo kami iniwan anak......... ikaw na lang ang.......... natitirang kayamanan namin........ bakit....... sayo pa...... nangyari ito....... Wala ng.......... magluluto.............. sa akin.......... ng mga paborito kong pagkain.................. wala ng................... hahalik at maglalambing sakin......... wala................................ ka na......."Wika ng kanyang ina habang umiiyak at hawak ito ng kanyang asawa.

"Anak, sana kung nasaan ka man ngayon ay maging masaya ka. Hintayin mo kami jan ng mama mo. Ipagluto mo kami sa pagsalubong mo samin ha, anak?. Huwag kang magiging pasaway jan, mahal na mahal ka ni papa." naluluhang wika ng kanyang ama.

Mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang. Sabi nga nila "Isa siyang napakabuting anak, masunurin, mabait, mapagkakatiwalaan". Ngunit nang dahil sa trahedya ay nawala ang kanilang pinakamamahal na anak.


"Bakit mo ako iniwan babe? Andaya mo naman ee. Ikaw lang ang buhay ko, paano na ko ngayong wala ka na? Mahal na mahal kita." Ang umiiyak na wika ni ralfh habang niyayakap ang puntod ng kanyang minamahal.

"Bebe naman ee, akala ko ba ililibre mo ako ng tour sa macau? Andaya-daya mo naman ee" umiiyak na sabi ni Yvonne habang hinahawakan at pinupukpok ang puntod ng kanyang bestfriend na si chris.

Hindi pa rin nila matanggap ang nangyari kay Chris kaya halos araw-araw silang dumadalaw sa puntod nito. Ganon ang laging eksena sa kanilang araw-araw na pagdalaw sa puntod ng kanilang minamahal na anak, kaibigan, at kasintahan.

Sa araw na ding iyon ay may isang lalaking umiiyak habang sila ay pinapanuod sa hindi kalayuan. Balot na balot ang kanyang mukha ng benda. Wala siyang magawa sa nangyayari. Hindi siya makalapit sa kanyang tinatanaw. Sobrang sakit ng kanyang mga sugat ngunit mas masakit ang nararamdaman ng kanyang puso.


-------------------------------Nakaraang 2 taon bago ang insidente-------------------------



"Yahoooooooo!Sem-break na din sa wakas!" sigaw ni Chris habang papalabas ng kanilang classroom.

"Hay nako beb, yan naman ang lagi mong hinihintay tuwing pasukan ee. palibhasa ikaw ang nangunguna sa klase." pambabara ni Yvonne, habang ito ay nagmemake-up.

"Ewan ko sayo beb, tigilan mo nga ako, atleast ako nag-aaral pa rin ng mabuti at teka nga, parang ikaw hindi excited sa bakasyon e KAHAPON pa nga lang NAKAEMPAKE  ka na ng gamit mo para sa tour niyo ng BOYFRIEND mong HILAW." basag naman ni Chris sa kanyang bestfriend na si Yvonne.

Biglang namula sa hiya si Yvonne at nang makabawi sa hiya ay "HOOOOOOY BEB! INGGIT KA LANG KASI WALA KANG LOVELIFE! TSSSSE!" inis niyang tugon kay chris.

"Ahahahahahahaha. Alam mo namang WALA akong INTEREST sa mga ganyang bagay." pag-giit niyang wika dito.

"Ang sabihin mo wala lang lalaking nagkakamaling manliligaw saaaa...." natigil si Yvonne ng biglang hawakan ni Chris ang kanyang bibig.

"Shhhhh. Ang ingay mo. Baka may makarinig sayo. Alam mo namang ikaw lang ang nakaka-alam ng pagkatao ko e." bulong niya kay Yvonne.

Habang masayang nagkkwentuhan ang magkaibigan ay biglang may nagtext kay Chris.

"Hi Chris, this is Franc of ABG NETWORK, and we would like to inform you that your application to DREAMERS: The Ultimate Artista Search has been approved. Please come to our office next week monday 10am for the final screening. Thank you." nakasulat na mensahe sa kanyang telepono.

Nanlaki ang mata ni Chris at hindi nakagalaw sa kanyang nabasa.
Napansin naman ni Yvonne na hindi na sumagot ang kanyang kausap.

"OH MY SEXY AND GORGEOUS BODY!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
MAGIGING ARTISTA NA ANG BESTFRIEND KO!!!!!!!!!!!" sigaw ni Yvonne at niyakap niya ang kaibigan ng mabasa niya ang text.


Patalon talon si Yvonne habang si Chris ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

Palabas sila ng campus para umuwi at sabihin sa kanyang magulang ang magandang balita.
Nang biglang dumating si Ralfh Dela Cruz ang lihim na minamahal ni Chris.

Si Ralfh Dela Cruz ang tinaguriang Campus Heartthrob dahil sa kanyang angking ka-gwapuhan, kisig, at talino. Siya ay may taas na 6ft, matipuno, may mapupungay na mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Kamukha niya si Enrique Gil kung tutuusin. Dagdagan mo pa na siya ang tinaguriang Mr. Campus ng taong iyon at siya din ang Captain at Star Player ng Basketball team ng unibersidad.

"Well, well, well, andito pala si Mr. Einstein. Hmmm, mukhang masaya ata kayo ah. Anong meron?" nangiinis na wika nito kay Chris habang ito ay pangisi-ngisi.

"Layuan mo nga ako Mr. MVP dahil baka hindi talaga ako makapagtimpi sayo at" hindi pa natapos ang sasabihin nito ay binara agad siya ni Ralfh

"at ano?"wika nito na inilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Chris

Sobrang lapit ng mukha nilang dalawa sa isa't isa na halos isang tableta ng gamot na lang ang layo nito. Hindi makagalaw at makapagsalita si Chris dahil sa gulat sa ginawa nito. Alam niya sa sarili na may gusto siya sa taong kaharap niya at dahil sa lagi siyang iniinis nito sa araw-araw na ginawa ng diyos ay mas lalo pa siyang nahuhulog dito imbis na mainis.

Biglang naitulak ni Chris si Ralfh ng siya'y matauhan sa nangyari.

"Hoy Mr. MVP umalis ka na nga dito kung ayaw mong mabalian ng buto" inis na wika ni Chris sa kanyang kaharap.

"Hahahahahaha. Ang cute mo talagang mainis" sabay pisil sa ilong ni Chris sabay alis na tuwang tuwa sa pangiinis kay Chris.

Nang makaalis si Ralfh ay

"Hoy beb, I think may gusto sayo yang ultimate crush mo." bulong ni Yvonne kay Chris

Namula si Chris sa sinabi ni Yvonne at nasabi na lang niya ay "Tumigil ka nga beb, Imposibleng mangyari yun noh."

"Hay naku beb, If I know, deep inside kinikilig ka din. Wahahahahaha"ang nasabi na lang ni Yvonne.

Hindi nakaimik si Chris sa nasabi sakanya ni Yvonne. Napahawak na lang siya sa kanyang dibdib at dinama ang bilis ng tibok nito.

-------------------------Kinagabihan

Habang masaya silang nagkwe-kwentuhan habang naghahapunan kasama ang kanyang mga magulang ay biglang nagring ang kanyang cellphone. Hindi naka rehistro ang tumatawag at numero lang ang nakalagay. Nagpaalam siya sa kanyang magulang upang sagutin ang tawag.

"Hello?" sagot niya sa tawag.

"Hello! C-Chris?"sagot ng nasa kabilang linya.

"Speaking, Who's this?"nagtatakang tanong nito sa kausap.

"Ahh.. Ehh.. si Ralfh ito."nahihiyang sabi nito.

Nanlaki ang mata ni Chris ng malaman kung sino ang kanyang kausap sa kabilang linya.

"Ha? Ah.. Eh.. B-bakit ka napatawag?"ang nasabi na lang niya.

"Ahhh.. 
Pano ba to?.. 
K-kasi..."ang hindi matuloy-tuloy na sabi ni ralfh.

"Ano nga yun? Kung mangiinis ka lang ay ibababa ko na ito.. Teka nga! San mo ba nakuha number ko ha?" ang pagtataray ni Chris sa kausap. "Tsk. Mali. Bakit yun ang nasabi ko?" wika niya sa kanyang isip.

"G-gusto ko lang humingi ng tawad sa pangiinis ko sayo at gusto ko rin sana makipagkaibigan kung maaari lang." tuloy tuloy na sabi nito.

Nagulat si Chris sa nangyayari. "Bakit parang ang bilis naman. Kanina lang nangiinis ito sa school tapos bigla na lang ito tatawag at makikipagkaibigan?" wika niya sa kanyang isipan.

"Ahh.. 
Eh.. 
Pag sinabi mo kung saan mo nakuha ang number ko papayag ako sa gusto mo."ang nasabi na lang niya.

"Si Yvonne ang nagbigay ng number mo, hiningi ko sakanya kanina ng makita ko siyang online sa FB. Gusto ko lang kasi talaga makipagkaibigan sayo dati pa kaya lang nahihiya ako kaya dinadaan ko sa pangiinis sayo. Sorry ah." mahabang paliwanag nito.

Nagulat si Chris sa nalamang dati pa nito gustong makipagkaibigan sakanya.

Simula ng gabing iyon ay lagi na silang magkatext, chat at magkausap sa telepono, umaga hanggang gabi. Araw-araw ay kinikilig si Chris tuwing makakausap niya si Ralfh. Simula nuon ay naging matalik na din silang magkaibigan. Silang tatlo nila Yvonne ang laging magkakasama. Nadagdagan pa sila ng isama ni Ralfh ang kanyang bestfriend na si Steph Francisco. Masaya si Chris sa nangyayari sa kanilang magkakaibigan.

4 na buwan na ang nakakalipas ay magsisimula na si Chris sa kanyang bagong hamong tatahakin, ang paligsahang kanyang sinalihan. Madaling nakapasok si Chris sa patimpalak ng isang malaking TV network na tinaguriang: "DREAMERS: The Ultimate Artista Search.

Sa pagsisimula ng naturang paligsahan.

"This is it guys!
Ang pinakahihintay ng ating manunuod ang pagbubukas ng paligsahang inaabangan ng bayan!" wika ng unang host.

"Tama ka jan partner!
Kaya tumutok lang kayo at huwag maglilipat ng channel dahil makikilala niyo na ang ating 15 Star Dreamers," ang sagot ng pangalawang host.

"Yan ay sa pagbabalik ng DREAMERS: The Ultimate Artista Search!" sabay na wika ng dalawang host ng patimpalak bago mag commercial.

itutuloy....


3 comments:

  1. May kahabaan nga ang isang ito. Hmm... Maganda ang takbo. Maganda ang plot. Sana huwag pabayaan. Cronological ba ang story? May chance. Chris, anak. May mga technical pang dapat ayusin pero dahil maganda itong chapter, ipararaan ko na lang iyon. :)

    ReplyDelete
  2. mejo po mama.. hehe.. ;)
    thank you po ng marami.. ;)

    will post the next chapter mamaya.. hihi.. ;)

    ReplyDelete
  3. kaabang abang ang mga susunod na chapter ah! he he he.

    ReplyDelete